ILOILO – Dinakip ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army ang isang hinihinalang rebelde sa Maasin, Iloilo.

Ayon kay Lt. Col. Leonardo Peña, commander ng 61st Infantry Battalion, naaresto si Rey Mirante matapos mabaril sa engkuwentro ng militar sa New People’s Army (NPA) sa Sitio Lambasan, Barangay Trangka, nitong Miyerkules ng hapon.

Sinabi ni Peña na rumesponde ang mga sundalo sa ulat na may umaaligid na mga armado sa nabanggit na lugar hanggang sa paulanan umano sila ng putok ng may 18 lalaki.

Bukod sa sugatang si Mirante, nakarekober din ang militar ng isang M79 grenade launcher na kargado ng bala at isang homemade shotgun sa lugar ng engkuwentro. (Tara Yap)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?