Kabilang sa prioridad ng Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) ang pagsulong sa pagtatatag ng Department of Sports at Philippine Sports Academy upang higit na mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang kalagayan at suporta ng Pambansang Atleta.

Ayon kay PBA Spokesman Jericho ‘Koko’ Nograles, mas magiging epektibo ang sistema sa pagbibigay ng suportang pinansiyal at medical, gayundin sa pag-aaral ng mga atleta kung isa na itong departamento ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, ang Philippine Sports Commission (PSC) na itinayo noong 1990 sa bisa isinabatas ng Kongreso, ang siyang nakatokang mangasiwa sa pangangailangan ng mga atleta. Ang ahensiya ay nasa ilalim ng opisina ng Malacañang. May sarili itong budget mula sa General Appropriation, gayundin sa remittance ng Philippine Games and Amusement Corporation (Pagcor).

Ipinahayag din ni Nograles, suportado ng PBA Partylist ang Aldub o Alyansang Duterte-Bongbong Marcos sa halalan sa Mayo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Aniya, kapwa may malasakit ang dalawa sa kapakanan ng atleta para manumbalik ang international status ng Philippine sports.

“Given the enthusiasm that we experienced on the ground, we are optimistic that Duterte for president and Marcos for vice-president will score very high,” ayon kay Nograles. (Bert De Guzman)