CABANATUAN CITY - Tatlumpu’t siyam na katao ang naaresto habang 70 iba’t ibang baril ang nakumpiska sa one time big time operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 3 sa Nueva Ecija.

Ayon kay CIDG Chief Director Victor Deona, umaabot sa 125 search warrant ang naisilbi sa magkakasabay na operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa 39 na suspek at pagkakasamsam ng 70 baril.

Kabilang sa mga nakumpiska ang 42 maiigsi at 29 na mahahabang baril, gayundin ang 1,066 na iba’t ibang bala, isang homemade grenade, at 19 na plastic sachet na may ilegal na droga.

Ang operasyon ay magkakasabay na ipinatupad sa mga bayan ng Talavera, Guimba, Laur, Cuyapo, Aliaga, Bongabon, Cabiao, Jaen, San Antonio, San Leonardo, Zaragosa, Carranglan, Gen. Natividad, Lupao, Nampicuan, at Peñaranda.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Deona na target ng kanilang operasyon ang mga nasa election watch list o areas of concerns, na tinututukan ang anumang karahasang may kinalaman sa halalan. (Light A. Nolasco)