MAY nakamamanghang kuwento ang tungkol sa isang batang pari na naitalaga sa isa isang maliit at malayong simbahan. Sa unang araw niya sa lugar, isa-isa niyang pinakinggan ang mga kumpisal ng mga tao at maramisa kanila ang nagsabing: “Nahulog ako sa tulay.”

Hindi alam ng pari na ang ibig sabihin ng katagang iyon ay: “Ako ay nangalunya.” Dahil sa sunud-sunod ang mga taong umamin sa kanya ng nasabing kasalanan, nagdesisyon ang pari na kilalanin at kausapin ang mayor nila upang mapaayos na ang tulay.

Nang malaman ng mayor ang kanyang sadya, tinawanan lang siya nito nang tinawanan dahil alam talaga niya ang kahulugan ng katagang iyon. “Bakit sa’kin ka nakikiusap, Father?” tanong ng mayor.

Sumagot ang pari: “Dahil maging ang misis ay ilang beses nang nahulog sa tulay. Tatlong beses!” Napalunok ang pari ang naging seryoso ang mukha.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang Ebanghelyo ngayong ikalimang Linggo ng Kuwaresma ay tungkol sa isang babae na “nahulog sa tulay” at napaulat na huling-huli “sa akto ng pangangalunya” (John 8,4).

Hinamon ng mga eksperto at religious leader si Jesus na babaan ang ipinapataw na parusa.

Kapag inirekomenda niya ang kaluwagan, habag at kababaang-loob, malalabag niya ang batas ni Moses na kamatayan ang kaparusahan sa mga taong nagkakasala tulad ng babae. Ngunit, kung susundin naman niya ang Mosaic law of death penalty, kikilalanin siyang double-talking teacher na nagtuturo ng malasakit at pagpapatawad ngunit siya mismo ay hindi sumusunod.

Sa palagay ng mga biblical scholar, sinulat niya nang mabilis ang kasalanan ng mga nag-aakusa sa babae. At hinamon niya ang mga tao: “Sino man ang malinis sa inyo at walang bahid ng kasalanan, siya ang unang bumato sa babaeng ito.”

Isa sa pinakamahalagang aral na maaari nating mapulot sa Ebanghelyo ay tungkol sa panghuhusga sa ating kapwa. Hindi natin maikakaila na hindi rin tayo nalalayo sa ugali ng Pharisees na mapanghusga, tama?

Halimbawa, guilty tayo na tayo ay mapanghusga kapag tinitingnan natin ang mga taong nasa mababang uri o kaya nama’y kapag pinagkukumpulan ang hiwalayan ng mag-asawa. Hindi natin namamalayan nasasabi natin sa ating sarili na, “Salamat sa Diyos at hindi ako katulad nila.

Ang isa pang aral na mapapulot sa Ebanghelyo ay ang walang hanggang awa at pagpapatawad ng ating Panginoon sa lahat ng ating mga kasalanan.