MALAKI na ang ipinagbago ni Cristine Reyes, this time for the better, simula nang magkaasawa’t magkaanak. Dati kasi, minarkahan siya as maldita, nang-aaway ng kapatid and so on. Kaya sa bagong isyu, nalulungkot ang kapatid niyang si Ara Mina dahil ang kinakampihan ng ilang netizens ay ang kaaway nitong si Vivian Velez.
Ayaw maniwala ng bashers na nagbago na si Cristine.
“Wala na bang karapatang magbago ang isang tao?” bulalas ni Ara sa mga namba-bash sa kapatid. “Noon siguro, sabihin na natin na medyo pasaway si AA (Cristine), pero nu’ng nagkapamilya siya at dumating sa kanya si Amara, malaki talaga ang pinagbago niya.
“Bigyan naman sana natin ng pagkakataon ‘yung tao na ipakita ‘yung pagbabago niya. Kasi ibang-iba na talaga siya ngayon compared before.”
Kaya nagpapasalamat si Ara na nabibigyan pa rin ng projects ng ABS-CBN ang kapatid para na rin sa suporta sa pagpapalaki ng kanilang baby.
“Kapag nanay ka na, willing kang i-sacrifice lahat, handa kang ibaba ang pride mo at gagawin mo ang lahat para sa anak mo. ‘Yon ang nakita ko sa kanya. She really works hard for Amara,” ani Ara.
Dahil sa inilabas na statement ng production staff hinggil sa isyu nina Cristine at Vivian, medyo malinaw-linaw na rin ang dahilan kung sino nga ba ang tunay na “maldita”. Si Cristine kasi ang kinampihan ng produksiyon.
“Kasi kung hindi sila nag-isyu ng statement, iisipin pa rin ng tao na ganu’n talaga si AA, na maldita siya. At least, natapos na rin, di ba? Nagsalita na rin siya kaya sa tingin ko okey na lahat,” pahayag niya.
Hindi na bago kay Ara na may makatrabahong beteranang aktres na nang-aaway rin sa co-stars gaya ni Vivian. Pero may mga baguhan ding maldita, tulad ng nakaengkuwentro niya.
“Oo naman,” dahil meron naman daw talagang ganu’n. “Hindi ko naman ini-expect na batiin niya ako or bumeso siya sa akin, pero sana man lang, kinikilala din niya ‘yung kasama niya sa set. Hindi ‘yung parang kung sino siyang sikat kung umasta, eh, baguhan lang naman siya.
“Pero ‘yung ibang baguhan, marespeto naman sila. Minsan nga kung sino pa yung mga sikat at may pangalan, sila pa ‘yung marespeto, eh,” pagtatapos ni Ara. (ADOR SALUTA)