Isang masaya at makulay na takbuhan ang ilalarga ng St. Paul University Surigao (dating San Nicolas College) High School Batch ’93, sa pakikipagtulungan ng Color Me Run – Tour de Pilipinas 2016, ang Electro Night Run ngayon sa Surigao City.
May temang “Ignite the Night!” ang fun run ang unang programa sa 10-city Tour ng naturang eskwelahan.
Ang mga lalahok ay gagamit ng LED accessories at reflectorized dri-fit shirts, at kinailangang dumaan sa pagsasayaw bilang kanilang warm up.
Kasunod ng fun run ang makulay na programa na tatampukan ng ‘confetti blast’.
Ang proceeds ng activities ay gagamitin sa pambili ng libro at iba pang kagamitan ng mga estudyante para sa pagtatayo ng Reading Center para sa 175 estudyante ng Mamanwas ng Orok Elementary School sa Brgy. Orok, Surigao City.
Sa registration fee na P300, maaaring mag-jog at maglakad sa 3 kilometer route at pinapayagan ding isama ang alagang aso.
Sakop ng fee ang Race Bib, V1 LED accessory, V1 Confetti Proper, habang available din ang Additional LED accessories at Dri-fit shirt sa halagang P250.