KEY WEST, United States (AFP) – Nasabat ng US Coast Guard sa Key West, sa dulong timog ng United States ang 50-talampakang haba (15-metro) ng semi-submersible boat na binuo ng mga drug smuggler sa mga bakawan ng Colombia upang maipuslit ang tone-toneladang cocaine papasok sa United States.

Unang lumutang ang mga ulat tungkol sa “narco-subs” noong 1990s ngunit noong 2005 lamang sinimulan ng US authorities na kumuha ng specific intel matapos lumabas ang mga litrato ng mga kakatwang sasakyan sa ilalim ng tubig sa Pacific at Caribbean.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina