Muling masisilayan ang husay at galing ng mga bangkerong Pinoy gayundin ang mga world-class dragon boat team sa paglalayag ng 2016 Manila Bay Sea Sports Festival sa Marso 19-20 sa Manila Bay Seaside sa Roxas Boulevard, Manila.

Inaasahang lalahok sa stock at formula race ang mga batikang bangkero mula sa lalawigan ng Rizal, Bataan, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, La Union, Quezon, Ilocos Sur, at Navotas.

Masasaksihan naman ang labanan sa dragon boat race ng iba’t ibang koponan na binubuo ng mga miyembro ng Philippine Team na kinilala sa international competition kabilang ang World Dragon Boat Championships.

Sasabak din ang koponan ng Bruins, UP Alumin, EAM Events Paddling Interactive Crew, Adamson University, NTMA Dragons, Manila Ocean Park, Philippine Blue Phoenix, Onslaught Racing Dragons, Rogue Pilipinas Paddlers, Pilipinas Wave Warriors, Maharlika Drakon, Dragons Republic Paddlers, One Piece Drakon Sangres, Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Air Force, Philippine Coast Guard, Triton A&B, RCP Sea Dragons, at Amateur Paddlers Philippines.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magsisimula ang karera sa ganap na 8:00 ng umaga.

Itinataguyod ang taunang Manila Bay Sea Sports Festival ng Manila Braodcasting Company at pamahalaang Lunsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Cobra Energy Drink, Kremtop, The Generics Pharmacy, Executive Optical, Revicon, M. Lhuiller, My Juiz, White Castle at Herco Trading Corporation.