Nagtakda ng isang buwang deadline ang militanteng Muslim na may hawak sa dalawang Canadian at isang Norwegian, na dinukot sa katimogan ng Pilipinas, para sa pagbabayad dolyar na ransom, batay sa video na inilabas nitong Huwebes. Sa video na ipinaskil sa Facebook page ng mga bandido, sinabi ng mga nangangayat na biktima na papatayin sila kapag hindi ibinigay ang ransom.

Dinukot ang mga turistang Canadian na sina John Ridsdel at Robert Hall, Norwegian resort manager na si Kjartan Sekkingstad, at Pilipina na si Marites Flor mula sa Samal Island sa Davao Oriental noong Setyembre.

Hindi binanggit ang tumpak na halaga ng ransom, ngunit sa naunang video, humiling ang mga militante ng P1 billion ($21 million) para sa bawat banyaga, habang walang ibinigay na kondisyon para sa paglaya ni Flor.

Kinilala ni Hall ang mga dumukot sa kanila na mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), at sinabing itinatago sila sa kuta ng grupo sa isla ng Sulu, sa timog Mindanao.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tumanggi ang tagapagsalita ng Norwegian foreign ministry sa Oslo na si Rune Bjastad.

Hindi naman nakuhanan ng pahayag ang Canadian embassy sa Manila, habang tumangging magkomento sa usapin ang tagapagsalita ng gobyerno sa Ottawa.

Hindi muna nagbigay ng pahayag si Armed Force of the Philippines spokesman, Brigadier-General Restituto Padilla habang beneberipika nila ang video. Muli rin niyang iginiit ang “no-ransom policy” ng gobyerno ng Pilipinas.

(Agence France-Presse)