Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

8 n.u. -- La Salle vs FEU (m)

10 n.u. -- UST vs Adamson (m)

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

2 n.h. -- Adamson vs UP (w)

4 n.h. -- UST vs La Salle (w)

Haharapin ng De La Salle Lady Archers ang tumitikas na University of Santo Tomas Tigresses sa tampok na laro ngayon sa pagpapatuloy ng secnd round elimination ng UAAP Season 78 volleyball tournament.

Nakatakda ang duwelo sa ganap na 4:00 ng hapon, kung saan target ng magkaribal na koponan na mapatatag ang kanilang katayuan para sa Final Four.

Magtutuos naman ang Adamson at University of the Philippines sa 2:00 ng hapon.

Hawak ng Lady Archers ang barahang 6-2, habang taglay naman ng Tigresses ang patas na barahang 4-4.

Inaasahan ni La Salle coach Ramil de Jesus na sa pagbabalik ng magandang laro ng kanyang mga player ay magtutuluy-tuloy na hanggang sa target nilang pumasok sa susunod na round.

Para naman kay UST coach Kungfu Reyes, sisikapin nilang patuloy na makaagapay sa hamon ng mga karibal para makaabot sa minimithing semifinal appearance.

Mapapalaban naman ang University of the Philippines Lady Maroons kontra Adamson Lady Falcons, na lalaro sa pangangasiwa ng bagong coach matapos magbitiw sa kanyang puwesto si Sherwin Meneses. (Marivic Awitan)