Nauwi sa tabla ang duwelo ng De La Salle at National University, 1-1, sa UAAP men’s football tournament kamakailan sa Moro Lorenzo Field.

Sa kabila nito, nanatiling nasa ibabaw ang Green Archers na mayroong 17 puntos mula sa limang panalo at dalawang draw.

Gayunman, para kay coach Hans Smith, hindi sila dapat makuntento sa pamumuno ngayon dahil matagal pa aniya ang laban at malayo pa sila sa kanilang hinahangad na marating.

“It’s a good run but it’s still a long way,” ani Smith. “The mindset should be different this year. We will see. We need to play every single game differently. That’s how we got our record for now.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naitala ni Gerald Layumas ang unang goal ng laban sa ika-11 minuto, ngunit nakabawi ang NU mula kay skipper Paolo Salenga sa ika-15 minuto ng laro.

Hindi na nakuha pang pumuntos muli ng Bulldogs sanhi ng matinding pagbabantay ni La Salle goal keeper Paeng de Guzman habang sinikap na lamang ng Green Archers na mapanatili ang kanilang unbeaten run.

“There’s no urgency on this game. The problem is attitude,” sambit ni Smith. “Three points is better than one point.”

Nauna rito, nagtala ng goal sina Mikko Mabanag at Julian Roxas para sa Ateneo para gapiin ang University of the East, 2-1. (Marivic Awitan)