Sumusunod sa pamantayan ng World Health Organization (WHO) ang mga pagsisikap ng gobyerno na ma-monitor ang posibleng mga insidente ng Zika virus sa bansa.

“Our procedures match that of WHO’s and they are quite comfortable with what we are doing,” sinabi ni Health spokesperson Lyndon Lee Suy sa panayam ng mga mamamahayag nitong Miyerkules.

Binigyang-diin niya na walang tigil ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na tanggapan ng WHO upang matiyak na ang mga isinasagawang hakbang laban sa mosquito-borne disease ay tanggap sa pandaigdigang pamantayan.

Binanggit ng opisyal ng kalusugan na maglalabas sila ng panibagong guidelines upang ipaalam sa mga ospital ang pagde-detect sa mga posibleng kaso ng Zika.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“Once it is signed [by Health Secretary Janette Garin], we will disseminate it,” pahayag ni Lee Suy.

Isasama sa guidelines ang malinaw na pakahulugan ng Zika virus at microcephaly, isa sa pinaghihinalaang sintomas ng Zika virus sa mga bagong sanggol.

Sususportahan nito ang standing order ni Garin noong Pebrero, nang ideklara ng WHO ang Zika Virus na isang “public emergency of international concern,” sa DoH-managed hospitals upang makalikha ng database sa posibleng mga kaso ng Zika sa kanilang mga pasilidad.

“We want the public to know that the government is addressing the concerns as far as Zika is concerned… it is doing what is should in consonance with what…WHO wants us to do,” diin ni Lee Suy. (Samuel Medenilla)