uclaa copy

Napanatili ng National College of Business and Arts Wildcats ang kampeonato sa men’s division, habang patuloy ang pamamayagpag ng Technological Institute of the Philippines Lady Engineers sa pagtatapos ng 8th University and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA) volleyball tournament kamakailan, sa Marikina Sports Complex.

Winalis ng Wildcats ang PATTS College of Aeronautics Sea Horses , 21-25, 19-25, 26-24, 25-21, 15-8, para makumpleto ang dominasyon sa kanilang best-of-three championship series.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Awtomatiko namang nakopo ng Lady Engineers ang korona nang pabagsakin ang NCBA Lady Wildcats, 25-15, 22-25, 25-11, 25-14, para sa ikasiyam na sunod na panalo.

Ito ang ikaapat na sunod na taon ng tagumpay ng Lady Engineers.

Nanguna sa Wildcats sina Gabo Nidua, Daryl Valenzuela at Jayson Canlas.

“The boys worked hard to win the last three sets. I gave them challenges after they lost the first two sets,” sambit ni NCBA coach Jun Balubar.

Nanguna naman si Alyssa Layug sa Lady Engineers sa 22 puntos, tampok ang dalawang service ace.

“We recovered with our defense in the third set. Their blocking, offense and attacks finally worked well in the final set,”pahayag ni TIP coach Boy Paril.

Nakopo naman ng Asian Institute of Maritime Studies ang ikatlong puwesto kontra Colegio de San Lorenzo, 25-16, 25-17, 25-18, habang runner up sa women’s side ang CDSL laban sa PATTS, 25-17, 25-15, 25-23.