Klinaro ng US Embassy na wala pang schedule sa pakikipag-usap sa presidential bet na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kasunod ng pahayag ng alkalde na iniimbita siya sa isang pulong ng mga emisaryo ng Amerika.

“At this time, no meeting with Mayor Duterte is scheduled,” pahayag sa media ni US Embassy Press Attaché Kurt Hoyer.

Unang ibinunyag ni Duterte na nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa US Embassy upang talakayin ang kanyang posisyon sa mga isyung may kaugnayan sa relasyon ng Pilipinas at Amerika, partikular na sa usapin ng Philippines-US’ Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), at ang gusot sa agawan ng teritoryo sa Spratly Islands sakaling mahalal siya bilang susunod na pangulo ng bansa.

“The Embassy routinely meets with a full cross of section of Philippine society and politics to discuss a range of issues of mutual interest,” dagdag ni Hoyer. (Bella Gamotea)

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara