Matapos iendorso ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na sinundan ng desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa disqualification case nito, nakatitiyak na ng tagumpay si Sen. Grace Poe sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa May 9 elections.

Ito ang naging pagtaya ng NPC senatorial candidate na si Win Gatchalian na unang nagsabi na ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman na pabor kay Poe ay patunay na gumagana ang demokrasya sa bansa at pinoproteksiyunan din ang mga foundling o napulot na sanggol tulad ng senadora na nais magsilbi sa bayan.

“We in the NPC thank the nine magistrates of the Supreme Court who, in voting for Senator Poe’s being eligible to run for president, gave meaning to their being justices and chose not to be mere legalists,” pahayag ni Gatchalian.

Iginiit ni Gatchalian na tinitingala ng mga mamamayan si Poe bilang isang leader na pangangalagaan ang interes ng nakararami at ito ay kitang-kita sa pagiging consistent topnotcher nito sa iba’t ibang presidential survey. “Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit si Poe at kanyang katambal na si vice presidential bet Sen. Chiz Escudero ang napiling suportahan ng NPC,” giit ng mambabatas mula sa Valenzuela City.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nagyong wala na aniyang balakid sa kandidatura ni Poe, sinabi ni Gatchalian na inaasahan nila ang suporta ng lahat ng miyembro ng NPC sa tambalang Grace-Chiz.

Itinatag ng business tycoon na si Eduardo “Danding” Cojuangco noong 1991, ang NPC ay ikalawang pinakamalaking partido pulitikal sa bansa base sa bilang ng mga nakaupong kongresista, gobernador at alkalde.