Nagbabala kahapon ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa posibleng mararanasang heat wave bunsod ng patuloy na pagtaas ng temperatura sa bansa.

Sinabi ni Dr. Landrico Dalida ng PAGASA, unti-unti nang tumataas ang temperatura sa iba’t ibang parte ng bansa, partikular na binanggit ang General Santos City na naitala ang 38.6 degrees Celsius nitong Marso 1.

Huling naramdaman ang pinakamainit na klima sa bansa nang maitala ang 42.2 degrees Celsius sa Tuguegarao, Cagayan noong 1912 at 1969. (ROMMEL P. TABBAD)

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!