Gawing araw-araw ang environment conservation at hindi lamang tuwing Earth Hour, na minsan sa isang taon lamang ginagawa.
Ito ang panawagan ni Bishop Pedro Arigo, Vicar Apostolic ng Palawan, kaugnay sa pag-obserba ng Earth Hour sa Marso 19.
Ayon kay Arigo, balewala ang kampanya para mabawasan ang carbon emission sa Earth Hour kung hindi naman ito iaaplay ng bawat isa sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
“Ang magandang tinitingnan natin dito, madaling sumama dun sa programa (Earth Hour) pero baka naman ‘yung ating ginagawa hindi natin na i-internalize, hindi natin naisasaloob talaga,” paalala ni Arigo sa Radio Veritas.
“Kaya hindi ako nananawagan na mag-cooperate (sa Earth Hour), ang ating tingnan ay …why are we doing, what we are doing? At sana ay hindi lang natin maintindihan, maging part din dapat ng ating values,” diin ng obispo.
(Mary Ann Santiago)