SINUMAN ang manalong pangulo sa darating na halalan sa Mayo, ay kinakailangang maging malinaw sa kanyang mga prayoridad upang masolusyunan ang mga problema ng bansa. Isa na rito ang pagpapalago sa ating ekonomiya.
Ayon kay Albay Governor Joey Salceda, isang ekonomista, kinakailangang pagtuunan ng susunod na presidente ang infrastructure development upang magkaroon ng mas maraming oportunidad sa trabaho, magkaroon ng 15 milyong middle class family, at maiahon ang 11.4 milyong pamilya (7.2 milyong mahirap at 4.2 halos naghihirap) mula sa kahirapan.
May katuturan ang thesis ni Salceda. Makatutulong ang isang infrastructure development program sa kaluwagan sa Metro Manila, pagpo-promote ng industrial dispersion, maayos na ugnayan sa magkakahiwalay na pamilihan.
Isa sa mga imprastruktura na tinukoy ni Salceda ay ang “value engineering” na kailangang gamitin ay ang mga bagong international airport sa Clark; mga tren na mag-uugnay sa North at South Luzon via Manila, at ang Luzon East Coast Highway na pinondohan ng Public-Private Partnerships at concessional Official Development Assistance.
Dagdag pa niya, kinakailangan ding ikonsidera ng susunod na presidente ang pagpapatayo ng isang National Government Complex at bagong Malacañang, maganda kung sa Lucena City, “as a signal for the new direction towards the countryside.”
Bukod sa imprastruktura, sinabi ni Salceda na kinakailangan ding gamitin ng bagong presidente ang domestic savings para sa iba’t ibang proyekto at bumuo ng 8 milyong domestic job upang hindi na umalis pa ang mga overseas Filipino workers (OFW). Aniya, “wealth creation through entrepreneurial revolution, science-and-technology dispersion, tourism promotion,” at pagbuo ng isang bagong entrepreneurial class sa pamamagitan ng iba’t ibang istratehiya. various specific strategies.
Ang Pilipinas “should embark on a smart industrialization program with its 107 million domestic consumer market, boosted by P1-trillion OFW remittances for renewed domestic market-driven industrialization, especially in food manufacturing through lower power rates and infrastructure development,” diin ni Salceda. (Johnny Dayang)