Korina copy copy

WALANG mapagsidlan ng tuwa si Korina Sanchez-Roxas sa kanyang pinakabagong accomplishment. Natapos na rin kasi niya sa wakas ang kanyang kursong Master of Arts in Journalism sa Ateneo de Manila University.

 

Dalawang taon din niyang binuno ang naturang kurso kasabay ng kanyang trabaho sa ABS-CBN at pati na rin ang kanyang mga adboksiya. Pero nakuha pa rin ni Koring na maisingit sa kanyang schedule ang kanyang pag-aaral.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Ang kanyang thesis ay “New Face of HIV/AIDS In The Philippines,” na malamang mailathala sa diyaryo.

“Pinagtrabahuhan ko talaga ito. Hindi madali ang gumawa ng isang master’s project sa gitna ng isang national campaign. Masaya ako dahil nagbunga naman ang aking paghihirap at magandang grado ang nakuha ko,” sabi ng misis ni Mar Roxas.

 

Sinikap ni Korina na matapos ang kanyang masteral sa kagustuhang mapag-ibayo pa ang kanyang kaalaman, at makapag-ambag sa pagsugpo sa pagkalat ng HIV/AIDS sa bansa.

 

Naniniwala si Korina na walang katapusan ang edukasyon kaya patuloy pa rin siyang mag-aaral hangga’t kaya niya.

“Kakaibang lebel ng disiplina ang makukuha sa pormal na edukasyon. Magandang pagsasanay ito upang mapagyaman ang kaalaman ng isang tao,” aniya.

Sa pamamagitan ng kanyang thesis, nagkaroon ng plataproma si Korina upang makausap at makasalamuha ang isang marginalized na sektor ng lipunan na apektado sa lumalalang epidemya ng HIV/AIDS, at isa na rito ang plataporma ng Keribeks National Gay Convention na pinangunahan ni Korina ang pagbuo.

 

Itong pinakabagong achievement ni Korina ay panibagong na testamento ng pagpupursige at pagtitiyaga niya. Aminado siyang nahirapan talaga siya sa kanyang post-graduate studies, dahil siya mismo ang gumawa ng lahat, kumuha ng mga pagsusulit, pagpasok sa klase, at sinunod niya ang mga deadline – lahat ng ito habang ginagawa niya ang kanyang trabaho araw-araw sa TV Patrol at kada Linggo sa Rated K.

 

Partida pa, habang kumukuha ng master’s degree, nanalo pa rin ang kanyang Rated K team sa PMPC Star Awards For TV ng Best Magazine Show at siya for Best Magazine Show Host. Pumasok din ang Rated K sa Biography/Profiles category ng New York Festival World’s Best TV & Films para sa kanyang special report sa kakaibang karamdaman ni Rochelle Pondare ng Bulacan. At higit sa lahat, every month, laging kasama ang Rated K sa Top Ten Most Watched TV Shows, base sa national survey ng Kantar Media. 

 “Masaya ako at natapos ko na ang isang yugto ng aking buhay. At ngayong tapos na ang aking Master’s, excited na akong magsimula naman ng bagong proyekto,” aniya.

Wala talagang kapaguran si Koring at hindi marunong sumuko lalo na kung para sa ikabubuti ng marami. (ADOR SALUTA)