Pinag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) ang posibilidad ng pagpapaliban sa halalan sa Mayo 9, kasunod ng desisyon ng Supreme Court na nag-uutos sa komisyon na i-activate ang printing ng voter receipt feature ng mga vote counting machine (VCM).

Nang tanungin kung kabilang dito ang posibilidad ng pagpapaliban sa eleksiyon, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na “yeah”.

Nagdaos ang en banc ng emergency meeting sa Sta. Rosa, Laguna nitong Miyerkules upang talakayin ang posibleng epekto ng desisyon ng SC sa mga paghahanda ng Comelec, gaya ng timetable, overseas voting, at iba pa.

Sa isang panayam sa radyo bago nito, tinanong din ang poll chief kaugnay ng posibilidad ng pagpapaliban sa halalan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I already said yesterday that this will affect our timeline. And this morning that is what we want to know if we already need to move for the postponement of the elections,” sagot ni Bautista sa panayam sa radyo.

“If it needs to be postponed, then let us postpone it,” dagdag niya.

Ngunit iginiit ni Bautista na mangangailangan ito ng pagsasabatas.

Ibinunyag din ng poll chief ang kanilang plano na maghain ng motion for reconsideration kaugnay sa desisyon ng SC.

(Leslie Ann G. Aquino)