Ipinahayag ng Department of Education (DepdEd) ang kahandaan ng ahensiya at host province Albay para sa 2016 Palarong Pambansa sa Abril 10 hanggang 16.

Ayon kay Assistant Secretary Tonisito Umali, may kabuuang 200 gold medal ang nakataya sa 21 sports sa torneo para sa mga estudyante sa elementary at high school.

Iginiit naman ni Albay Gov. Joey Salceda na handa na ang lahat, maging ang accommodation para sa mga kalahok at opisyal mula sa 18 kalahok na rehiyon.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“We expect records to be broken this year. But more than the medals at stake, the Palaro is also about discipline among the participants and cleanliness in our environment,” sambit ni Umali sa kanyang pagbisita sa PSA Forum.

Kabilang sa mga paglalabanan ang archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, boxing, chess, football, gymnastics, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at volleyball.

Lalaruin naman bilang demonstration sports ang billiards, futsal, wrestling at wushu.