Buy-Bust Operation_Shell Magallanes_Southbound_Makati City_10Mar2016-3 copy

Nasa P25 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula sa tatlong miyembro ng isang Chinese drug syndicate na naaresto sa isang operasyon sa Makati, kahapon.

Base sa report ni NCRPO Director Joel D. Pagdilao kay Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ricardo C. Marquez, kinilala ang mga nadakip na sina He Kaibe, 28; Henry Lam, 43; kapwa taga-Fujian, China; at Annaliza Villegas, 45, ng Magallanes Village, Makati City.

Nakapiit ngayon sina Kaibe, Lam at Villegas sa detention cell ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City makaraang kasuhan ng paglabag sa Section 5 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act).

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Lumitaw sa imbestigasyon ng NCRPO na dakong 12:00 ng hatinggabi nang isagawa ang buy-bust operation sa parking lot ng isang restaurant sa Humabon Street sa Magallanes Village, Makati City, ng mga tauhan ng Regional Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (RAIDSOTG) at ng Southern Police District.

Nakumpiska sa mga nadakip ang limang kilo ng high-grade shabu na nagkakahalaga ng P25 milyon, isang silver na Nissan Cefiro (XAY-567), at marked money. (JUN FABON)