Babawasan ng Manila Electric Co. (Meralco) ang kabuuang singil nito sa kuryente ng 19 sentimo kada kilowatt hour (kWh) ngayong Marso.

Ipinahayag ng Meralco na ang bayarin sa kuryente ng isang karaniwang tahanan, na mayroong buwanang konsumo na 200 kWh, ay bababa ng P38.

Para sa mga kumukonsumo ng 300 kWh, aabot sa P57 ang matitipid, habang ang 400 kWh mababawasan ng P76 sa kanilang bayarin.

Samantala, ang mga tahanan na kumukonsumo ng 500 kWh ay mababawasan ng P95 ang bayarin sa kuryente.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Binanggit din ng nasabing kumpanya na ang total rate na P8.63 per kWh para sa buwang ito ay mas mababa kaysa P10.42 per kWh noong Marso 2015.

Ayon sa Meralco, ang pagbawas ng singil ay hinila ng generation charge, na bumaba ng 17 sentimo kada kWh mula sa nakaraang buwan, dahil sa mas mataas na dispatch ng mga power plant at mas mababang bayarin sa panggatong.

Kinontrata nito ang mga planta sa ilalim ng power supply agreements (PSAS) na may mas mababang singil na 26 sentimo kada kWh, habang ang mga singil mula sa mga independent power producer ay bumaba ng 17 sentimo kada kWh.

Sinabi rin ng Meralco na ang mga planta ng First Gas, Sta. Rita at San Lorenzo, ay nagkaroon ng mas magandang power dispatch nitong Pebrero. (PNA)