Walong preso, mga itinurong pasimuno sa madugong riot sa loob ng Makati City Jail, ang inilipat ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City kahapon.

Nailipat ang walong inmate, na hindi binanggit ang mga pangalan, sa kanilang bagong piitan sa bisa ng kautusan mula sa korte.

Iniimbestigahan din ng pamunuan ng BJMP ang alegasyong labis na puwersa ang ginamit sa pagresponde sa kaguluhan kung saan 30 inmate ang napaulat na nasaktan.

Napag-alaman na nag-ugat ang kaguluhan sa noise barrage ng mga bilanggo sa Makati City Jail, pasado 1:00 ng madaling araw kahapon, para iparating sa pamunuan ang kanilang hinaing.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nag-ugat ang pagpoprotesta ng mga preso sa umano’y mga anomalya sa loob ng Makati City, kabilang ang reklamong hindi makataong pagtrato sa kanila, hindi maayos na pagpapakain at pinupuwersa umano ang ilang inmate na magbenta ng ilegal na droga.

Pasado 2:00 ng madaling araw nang sumugod ang BJMP Special Tactics and Response Team sa naturang piitan na sinundan pa ng mga tauhan ng Makati City Police makalipas ang isang oras.

Kahalating oras nang pansamantalang natigil ang protesta ng mga preso subalit nangalampag muli ang mga ito pagsapit ng 3:30 ng madaling araw kunga kaya’t napilitang iumang ng isang fire truck ang water hose nito sa harapan ng gate ng nasabing piitan at gamitin laban sa mga nagwawalang preso. (Bella Gamotea)