Ibinasura ng isang Quezon City court judge ang apela ng isang pulis na akusado sa Maguindanao massacre case na payagang maipambayad ang kanyang lupain bilang piyansa para siya ay pansamantalang makalaya.

Sa kanyang kautusan, sinopla ni Assisting Judge Genie Gapas-Agbada, ng QC Regional Trial Court Branch 221, ang motion to post real property na inihain ni PO1 Michael Macarongon upang siya ay makapagpiyansa.

Sa kanyang mosyon, hiniling ni Macarongon na payagan siyang ipambayad bilang property bond ang lupain ng yumaong si Soriano Macarongon sa Balabagan, Lanao del Sur na saklaw ng free patent at tax declaration.

Ayon sa akusado, isa siya sa mga tagapagmana ni Soriano Macarongon at ang iba pang magmamana nito ay pumayag na umanong ipambayad ang lupain bilang piyansa tulad ng nakasaad sa kanilang extra-judicial settlement na mayroon ding special authority.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Sa pagbasura ng mosyon ni Macarongon, hanggang hindi nakarehistro sa pangalan ng akusado ang naturang lupain, hindi ito maaaring tanggapin ng korte bilang piyansa.

“To be sure, the court cannot rightfully enforce forfeiture of the bond in the event that accused jumped his bail because the properties are not yet registered in the name of the surety,” saad sa kautusan ng korte.

Si Macarongon ay isa sa mga pulis na kinasuhan ng 58 counts of murder kaugnay sa pagpatay sa 57 katao sa Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009, at sila ay pinayagan ng korte na makapaglagak ng piyansang P200,000 sa bawat bilang ng kaso. (Chito A. Chavez)