UNTI-UNTI nang naglalabas ng hinaing ang mga direktor hinggil sa magkasunod na pagkamatay ng kanilang colleagues sina Direk Wenn Deramas at Direk Francis Xavier Pasion na parehong taga-ABS-CBN.
Naglabas si Direk Jun Lana Robles ng saloobin sa namamayaning kultura sa produksiyon na isa sa mga dahilan kaya nagkakasakit ang mga talent, production staff, at direktor.
Sinisisi ni Direk Jun ang mga artistang pasaway na late dumarating sa set at pagkatapos ay nagmamadaling kunan kaagad.
Ito ang tweet ni Direk Jun Lana nitong nakaraang Martes ng gabi:
“Let’s get real. We know the standard response when talents demand for fair working hours: Fire them. Or don’t hire them again. So of course no one complains. Talents would rather die of heart attacks than lose their only means of livelihood.
“Maraming artista, may cut-off. Dami mong kukunan na eksena, kailangan pang i-prioritize ang cut-off nila? Sila bawal mapuyat, kami okay lang?
“Mga artista ang dapat manguna para magbago ang sistema. Di ba sikat kayo, gamitin n’yo ‘yan kung may malasakit talaga kayo sa crew. Eh, ‘yung iba, late na nga darating sa set, tatarantahin pa ang crew na unahin sila dahil may cut-off sila. Ang kakapal n’yo.
“Ngayong me namatay na direktor, eeksena kayo, iyak-iyak kayo. Eh, ‘yung pagiging inconsiderate n’yo kaya ang isang dahilan kaya natigok sila.
“’Di ko nilalahat pero may mga artistang nag-i-endorse ng kandidato, para raw sa pagbabago. Sa showbiz nga wala kayong paki, sa bayan pa natin? ‘Buti ang direktor nabibigyan ng tribute. Paano ‘yung producer, PA, crew na nagkasakit o natigok dahil sa trabaho? May dumamay ba sa kanila?
“Huling hirit. Ang crew, talents, contractual employees, kahit 15 years ka nang PA, walang benefits. Pero talents ang nagpapayaman sa networks. (Year) 2016 na di ba? Hindi na dapat pinagtatalunan ang pagkakaroon ng benepisyo at maayos na working conditions ng talents. Kaparatan nila ‘yan.”
Naglabas din ng saloobin si Direk Quark Henares sa pagkamatay ng naging professor at
kaibigan niyang si Direk Francis. Aniya, nagkakasakit ang mga taga-produksiyon dahil sa sobrang haba ng oras ng pagtatrabaho.
Ito ang post ni Direk Quark sa social media: “He was my professor, he was my friend, he was the founder of my college org, he was my colleague. What I remember most about Francis Xavier Pasion was how he would fervently post posters around the campus for The Loyola Film Circle’s first ever-short film festival and I was this little chubby freshman following him around ripping the scotch tape in half. ‘Thanks Quark. Keep this up and one day baka magiging president ka ng Loyola Film Circle.’
“I never did, but I always found that view of leadership to be funny. Rest in peace, Mr. Pasion.
“PS This might not be a good time to say this but I’ll say it anyway. I think the reason a lot of TV directors like Wenn Deramas and Gilbert Perez, and now Francis Pasion are getting cardiac arrests is because of the horrible working hours and conditions in television.
“And it’s not just directors: stuntmen, ADs, crew people and cameramen all go through similar situations. This should really change. And I don’t know how it will, considering that this entails losses for the networks. But it really is time.”
May taga-produksiyon din kaming nakausap na kaya naman daw inaabot ng mahabang oras ang shooting o taping ay dahil sinasagad ng network ang ibinabayad nila sa mga artistang mahal maningil ng talent fee.
“Siyempre negosyo ito, kung ikaw negosyante o management ng network, sasagarin mo ang ibinayad mo sa artista, di ba, kasi hindi rin naman sila nagpapatawad sa talent fees nila.
“Kaya ang nagsa-suffer talaga ‘yung mga nasa produksiyon na kailangang mag-shoot base rin sa schedule ng artista.
“Totoo naman din ‘yung sinasabing may mga artistang late dumarating sa set ‘tapos magmamadaling kunan sila kasi aalis din agad. Kaya dapat wala nang prima donna attitude, wala nang sikat-sikat pa, bigayan dapat, hindi ‘yung dahil artista sila at crew ka lang dapat magdusa ka sa patayang working hours.”
Bukod kina Direk Jun Lana at Direk Quark Henares, sino pa kaya ang may lakas o tapang ng loob na maglabas din ng kanilang saloobin? (Reggee Bonoan)