Walang namumuong operational link sa pagitan ng Islamic State (IS) at ng ilang armadong grupo sa Mindanao.

Ito ang pinanindigan ng Malacañang sa harap ng pahayag ni Murad Ebrahim, chairman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), na tinatangka ng IS terrorist group na magtatag ng stronghold sa Mindanao matapos mabigo ang Kongreso na ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na nakapaloob sa nilagdaang kasunduan.

Sinabi ni Murad, na nasa Malaysia, na noong nakaraang taon pa nagtatangka ang IS na mag-recruit ng mga tagasuporta nito sa Mindanao, pero kinausap ng MILF ang mga nilapitan at ipinaliwanag na ang peace agreement sa gobyerno na nilagdaan noong 2014 ang pinakamainam na solusyon sa kaguluhan sa kanilang lugar.

Gayunman, aminado si Murad na dahil sa kabiguang maipasa ang BBL, marami ang nadismaya at maaaring samantalahin ito ng mga terorista upang mangalap ng mga tagasuporta at tauhan sa Mindanao. (Beth Camia)

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa