Hindi na sana kailangan pang dumaan ng mahigit 600,000 pirasong imported car plates sa port of Manila, kung saan sinamsam ang mga ito ng mga opisyal ng Customs, kung dito lamang ginawa ang mga ito.

Binanggit ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto nitong Martes ang naturang kaso upang bigyang diin ang pangangailangan na ipatupad ng gobyerno ang polisiyang “Buy Philippine-Made” sa mga bibilhin ng pamahalaan.

Sa pagbili ng mga lokal na produkto, sinusuportahan ng gobyerno ang mga lokal na produkto at kumpanya, lilikha ng mga trabaho at mapapalakas ang manufacturing.

Inilarawan ng senador ang gobyerno na isang malaking supplies at equipment buyer, na mayroong daan-daan bilyong piso na budget bawat taon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Iginiit ni Recto na kailangang piliin ng gobyerno ang mga lokal na produkto o iyong mayroong high local content sa pamimili ng mga ito.

Sinabi niya na mayroong masiglang sektor ng domestic manufacturing na kayang tugunan ang pangangailangan sa kagamitan ng gobyerno.

“If we’re buying boats for coastal or river patrol, then let our shipyards in Subic, Cebu and Bataan make them,” aniya. “If other nations find them exceptional, then we should too.”

Ang mga katawan ng police patrol jeeps ay maaaring ipabrika rito, dagdag ni Recto. “Laguna factories are good in assembling buses.”

Ngunit sa pagbili ng locally-made, “price points should not be the sole consideration,” sabi ni Recto. “We should not be buying a lemon just because it is wrapped in a Philippine flag. Quality should not be sacrificed.” (PNA)