Si Lt. Gen. Edgar Fallorina, ang kasalukuyang Armed Forces of the Philippines (AFP) Deputy Chief-of-Staff, ang hinirang na bagong Philippine Air Force (PAF) commander.

Papalitan niya si outgoing PAF chief Lt. Gen. Jeffrey Delgado na pormal na bumaba sa puwesto nitong Miyerkules, ilang araw bago ang retirement date nito sa Marso 20.

Kinumpirma ito ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla sa briefing sa Camp Gen. Emilio Aguinaldo.

Inungusan ni Fallorina, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1983, ang tatlo pang contender sa pinakamataas na posisyon sa Air Force.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinangalanan ni Padilla ang tatlong iba pang contender na sina 1st Air Division chief Maj. Gen. Raul Del Rosario, Air Education and Training Command chief Maj. Gen. Salvador Mison, kapwa mula sa PMA Class 1984; at Chief of Air Staff Maj. Gen. Galileo Kintanar, Jr., ng PMA Class 1985.

Binanggit ni Padilla na si Fallorina ang pinaka-senior sa lahat ng PAF chief contenders.

“Gen. Fallorina is one of our most proficient helicopter pilots, I, we served with him when we were young and he was in the field for a long time, as well as, became a flight commander in 205th Helicopter Wing at the height of our internal security operationscampaign in Mindanao, Visayas and Luzon,” sabi ni Padilla. (Elena Aben)