Mga laro bukas

Rizal Memorial

Baseball Stadium

8:30 n.u. -- AdU vs UST

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

12 n.t. -- Ateneo vs DLSU

Naitakda ang pagtutuos ng defending 5-time champion Adamson University at University of Santo Tomas sa best-of-three titular showdown makaraang magsipagwagi sa kani-kanilang mga nakatunggali sa Final Four round ng UAAP Season 78 softball tournament, sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Bumalikwas ang Lady Falcons mula sa pagkakaiwan ng apat na runs (0-4) upang gapiin ang University of the Philippines, 7-6, habang humabol din mula sa 0-3 pagkakaiwan ang Tigresses para daigin ang National University, 8-4.

Tanging Tigresses lamang ang dumungis sa dangal ng Lady Falcons nang tuldukan nila ang 73-winning run ng Adamson sa pagtatapos ng elimination.

“Mabuti na lang at nag-step up si Basas,” pahayag ni Lady Falcons mentor Ana Santiago. “Sinabi ko sa mga players na hindi tayo mananalo dahil sa pitching. Mananalo tayo kung papalo kayo.” (Marivic Awitan)