Bago ang pagpapatupad sa appointment ban kaugnay sa halalan sa Mayo 9, hinirang ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang 11 hukom para sa Regional Trial Court (RTC) sa National Capital Region (NCR).

Sa natanggap na transmittal letter ng Korte Suprema, kabilang sa mga itinalaga ng Pangulo si Judge Rosalia Hipolito Bunagan para sa RTC-232 sa Caloocan City at sina Judge Rhoda Magdalene Mapile-Osinada sa RTC-289, Judge Rosario Ines-PinZon sa RTC-290, at Judge Maria Antonia Largoza-Cantero sa RTC 291, pawang sa Malabon City.

Lima naman ang itinalaga sa Mandaluyong City RTC na kinabibilangan nina Judge Anthony Fama sa Branch 277, Judge Jaime Fortunato Caringal sa Branch 278, Judge Juliet Manalo-San Gaspaz sa Branch 279, Judge Restituto Mangalindan Jr. sa Branch 280, at Judge Ermin Ernest Louie Miguel sa Branch 281.

Bagong hukom naman sa Quezon City RTC si Judge Juris Callanta sa Branch 85 at sa Valenzuela City RTC Branch 285 naman si Judge Orven Kuan Ontalan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

May petsang Marso 7 ang appointment ng mga hukom o dalawang araw bago ang appointment ban dahil sa halalan.

(Beth Camia)