Stephen Curry, Evan Fournier

OAKLAND, California (AP) — Naisalpak ni Stephen Curry ang 41 puntos at naging kauna-unahang player sa kasaysayan ng NBA na nakapagtala ng 300 na 3-pointer sa isang season matapos gabayan ang Golden State Warriors sa 119-113 panalo kontra Orlando Magic, nitong Lunes (Martes sa Manila).

Nahila rin ng Warriors ang home record win sa 45 sunod.

Hindi napantayan ni Curry ang matikas na 51 puntos na nagawa sa unang pakikipagharap sa Magic noong Pebrero 25, ngunit kumana siya ng 7 for 13 sa long range at may 13 rebound. May nalalabi pang 20 laro sa regular season at nakatipon na ang reigning MVP ng 301 na 3-pointer.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Nalagpasan ng Golden State ang 1995-96 record na 44 sunod na regular-season home victory ng Chicago Bulls at matikas sa 26-0 sa Oracle Arena ngayong season.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 27 puntos para sa Warriors (56-6), nakabawi mula sa masamang laro laban sa Lakers nitong Lunes.

Target ng Warriors na pantayan, hindi man malagpasan, ang record na 72 panalo sa isang season ng Bulls.

GRIZZLIES 106, CAVS 103

Sa Cleveland, hataw si Tony Allen sa naiskor na season-high 26 na puntos sa panalo ng Memphis Grizzlies kontra Cavaliers.

Naisalpak ni Vince Carter ang apat na free throw sa krusyal na 13.4 segundo para maitakas ang panalo sa Grizzlies.

Kumana naman si Lance Stephenson ng 17 puntos at nag-ambag si JaMychal Green ng 16 na puntos at 10 rebound para sa Memphis.

Nanguna si LeBron James sa Cavs sa nakubrang 28 puntos, habang humugot si Kyrie Irving ng 27 puntos.

BULLS 100, BUCKS 90

Sa Chicago, ratsada si Pau Gasol sa 12 puntos, 17 rebound, 13 assist at limang blocked shot para sandigan ang Bulls kontra Milwaukee Bucks.

Naglaro ang Bulls na wala si Jimmy Butler na may injury, ngunit, anim na Bulls ang tumipa ng double digit, kabilang sina Derrick Rose na may 22 puntos, Mike Dunleavy na kumana ng 18 puntos, at E'Twaun Moore na may 16 na puntos at pitong assist.