Sumuko kahapon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang taxi driver na itinuturong nakasagasa sa isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa paghaharap ni MMDA Traffic Constable Ronald Perez at ng driver na si Ramon Talan, ng Joannia Taxi (TXW-775), itinanggi ng huli ang akusasyon at iginiit na isang Nissan Sentra ang kanyang ipinapasada at hindi isang Toyota Vios, na nakita sa CCTV video footage na siyang nakasagasa sa biktima.

Ayon kay Talan, nasa Maynila siya nang mangyari ang insidente.

Sa kabila ng pagtanggi ni Talan, positibo pa rin siyang tinukoy ni Reyes na nagmamaneho ng taxi na nakasagasa sa kanya sa panulukan ng Tandang Sora at Commonwealth Avenues sa Quezon City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Maging ang dalawa pang kasamahan ni Perez ay positibo ring kinilala si Talan na nagmamaneho sa taxi, dakong 6:00 ng umaga noong Marso 7.

Sa kuha ng CCTV, makikitang nasa ibabaw na ng hood ng taxi si Perez pero pinaandar pa rin ito ng driver ang sasakyan hanggang sa tuluyang mahulog ang traffic enforcer at nasagasaan ang paa nito. (Jun Fabon)