Nagtalaga si Pangulong Benigno Aquino III ng bagong National Police Commission (Napolcom) Commissioner. Si retired Police Director Felizardo M. Serapio, Jr. ang nahirang na kapalit ni dating Commissioner Luisito T. Palmera na nagtapos ang termino nitong Enero 7, 2016.

Bago ang kanyang appointment bilang Napolcom Commissioner, si Serapio ay naging Undersecretary at Head ng Law Enforcement and Security Integration Office sa ilalim ng Office of the Executive Secretary. Siya rin ang Executive Director ng Philippine Center on Transnational Crime. (Czarina Nicole O. Ong)

Tsika at Intriga

Jon Lucas nag-react sa photo ng SB19 sa Billboard PH, inalala ang Hashtags