Wala nang balakid sa pagkandidato sa pagkapangulo ni Senator Grace Poe.

Ito ang natiyak matapos payagan ng Korte Suprema na tumakbo si Poe bilang pangulo ng bansa sa halalan sa Mayo 9.

Sa botong 9-6, pinaboran ng mayorya ng mga mahistrado ang petisyon ni Poe na ibasura ang naunang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na idiskuwalipika ang senadora sa pagkandidato sa pagkapangulo dahil sa isyu ng residency at citizenship.

Kabilang sa mga bumoto pabor kay Poe ay sina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, Associate Justices Presbitero Velasco, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Jose Perez, Jose Mendoza, Marvic Leonen, Benjamin Caguioa, at Francis Jardeleza.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sa siyam na bumoto ng pabor, apat ay appointee ni Pangulong Aquino: Sereno, Leonen, Jardeleza at Caguioa.

Habang ang mga kumontra naman ay sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro, Arturo Brion, Mariano Del Castillo, Bienvenido Reyes, at Estela Perlas-Bernabe.

Mula sa anim na kumontra sa petisyong inihain ni Poe, tatlo ang kabilang sa Senate Electoral Tribunal na bumoto pabor sa senadora.

Ang mga ito ay sina Carpio, Brion at De Castro. (BETH CAMIA)