DHAKA, Bangladesh (AFP) – Sinabi ng central bank ng Bangladesh nitong Lunes na nabawi na ang bahagi ng halos $100 million na diumano’y ninakaw sa isang reserve account sa United States, noong nakaraang buwan.

Ninakaw ng pinaghihinalaang Chinese hackers ang pera mula sa foreign exchange account sa Federal Reserve Bank of New York noong Pebrero 5, ayon sa isang opisyal ng central bank at sa mga ulat sa media.

Ilan sa perang ito ay illegal na inilipat online sa Pilipinas at Sri Lanka, sinabi ng opisyal ng central bank sa AFP sa kondisyong hindi siya papangalanan.

“Part of the money hacked from Bangladesh Bank’s account in a bank in the United States has been recovered,” sinabi ng bangko sa isang pahayag, nang hindi binabanggit ang halagang nabawi.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Bangladesh Financial Intelligence Unit is in contact with the anti-money laundering authorities of the Philippines to track down and bring back rest of the money,” dagdag dito.

Ipina-freeze ng Pilipinas ang mga nabawing pera kasunod ng utos ng korte, sinabi ng Bangladesh Bank.

Ang Bangladesh central bank ay mayroong $28 billion sa foreign currency reserve.

Noong nakaraang linggo, pumutok ang balitang iniimbestigahan ng financial regulators sa Pilipinas ang isa sa pinakamalaking kaso ng money laundering na nadiskubre sa bansa.

Ayon sa ulat, idineposito ang $100 million sa mga bangko sa Pilipinas, pagkatapos ay ibinenta sa black market foreign exchange broker at inilipat sa tatlong casino sa bansa. Makalipas ang ilang araw lamang, ibenenta ang nasabing halaga sa money broker at inilipat sa mga account sa ibayong dagat.