IMUS, Cavite – Idineklara ni Pangulong Aquino ang Marso 22, Martes, bilang isang special non-working day sa Cavite, kaugnay ng pagdiriwang ng ika-147 anibersaryo ng kapanganakan ni Gen. Emilio Aguinaldo, ang unang presidente ng bansa.
Ang nabanggit na deklarasyon ng Pangulo ay nakasaad sa Proclamation No. 1231 na nilagdaan ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa nitong Pebrero 29.
Ayon sa kawani ng Aguinaldo Shrine, magkakaroon ng misa sa museo sa Barangay Kaingin sa Kawit, na susundan ng wreath-laying, bukod pa sa maghapong bukas sa publiko ang Aguinaldo ancestral house. (Anthony Giron)