Maine from Bora copy

NATAPOS na kahapon ang botohan sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards dito sa Pilipinas. Nominees sa kategoryang Favorite Pinoy Personality sina Enrique Gil ng Liz-Quen, si James Reid ng JaDine, si Kathryn Bernardo ng KathNiel at si Maine Mendoza ng AlDub.

Sa comparison chart pagkatapos ng botohan, si Maine ang nanguna sa botong 63,380,565. Lamang siya ng 8,231,572 sa pumangalawa.

Pero pagkatapos lumabas ng resulta, may tweet na: Letter to the Nickelodeon to Disqualify Maine Mendoza from KCA 2016 due to cheating by network, management and fans. JaDine KathNiel LizQuen started this petition with a single signature and now has 653 supporters. Start a petition today to change something you care about.”

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Mabilis na naglabas ang JaDineLand ng: “We must say that we are not joining and we didn’t agree to join this petition. To whoever started this petition, please remove the name of JaDine, we didn’t agree on joining this. And to all the JaDines, please do not sign the petition. Thank you.”

Sumunod namang naglabas ng Disclaimer ang LizQuenUniverse: “In behalf of LizQuen Universe, please don’t use/include the fandom name in this petition. LizQuen has nothing to do on what’s stated on the petition. Please remore the name of the fandom. We are not that low to make such move.

“Reminder to all LizQuen, please don’t sign or join the petition. We have done our best to support and vote for Quen. It’s the honesty, love and unity that matters now.” – Tatak LizQuenOfficial.

Ayon naman sa report, ang Nickelodeon lamang ang puwedeng mag-confirm ng nanalo at mag-disqualify ng nominees. Uso rin daw sa love teams ang gumagawa ng mga ganoong petition, maging sa ibang bansa, kapag hindi nanalo ang kanilang ibinoto.

Ang announcement ng lahat ng winners ng The Kids’ Choice Awards 2016 ay sa March 14, 11:30 AM. (NORA CALDERON)