LONDON (Thomson Reuters Foundation) – Sa 45 porsiyento ng senior management positions na hawak ng kababaihan, muling nanguna ang Russia sa lahat ng mga bansa na may pinakamataas na porsiyento ng kababaihan sa senior business roles, sinusundan ito ng Pilipinas at Lithuania, ayon sa ulat na inilathala nitong Martes.

Nananatili ang Japan, na mayroong 7% ng senior leadership roles na hawak ng kababaihan, sa ilalim ng listahan.

Bahagyang umangat ang Germany at India, na mayroong 15% at 16%, ayon sa pagkakasunod.

Sa buong mundo, isang quarter lamang ng senior management positions ang hawak ng kababaihan, tumaas mula sa 22% sa nakalipas na taon, ayon sa “Women in Business” na inilathala ng U.S.-based audit and tax firm na Grant Thornton.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tumaas ng 33% ang bilang ng mga negosyo na walang babae sa senior management mula sa 32% noong 2015, nakasaad sa ulat, na siniyasat ang 5,520 negosyo sa 36 na bansa.

“Companies across developed nations have talked the talk on diversity in leadership for long enough,” sinabi ni Francesca Lagerberg, global leader for tax services sa Grant Thornton International sa isang pahayag.

“It’s time to put their promises into practice and deliver results.”

Sa mahigit tatlong bahagi ng senior roles sa rehiyon na hawak ng kababaihan, ang mga bansa sa eastern Europe, kabilang ang Estonia, Latvia at Poland, ang nanguna sa diversity rankings.

Samantala, 39% ng mga negosyo sa mga bansang kabilang sa G7 (Canada, Germany, Italy, France, Japan, Britain at United States) ang walang babae sa senior management positions.

“This poor performance seems to be at least partly a result of entrenched societal norms. In the UK and US in particular, there are still plentiful examples of a ‘command and control’ approach to leadership which is not necessarily attractive to women,” wika ni Lagerberg.

Utang ng mga bansa sa Eastern European ang kanilang diversity sa pamana ng komunismo at mga prinsipyo sa pagkakapantay-pantay, sinabi sa ulat.