Humiling ng imbestigasyon si Rep. Emmeline Y. Aglipay-Villar (Party-list DIWA) upang matukoy ang kalagayan at kalidad ng implementasyon ng mga batas sa proteksiyon ng mga bata.
Sa House Resolution 2649, ipinaalala ni Aglipay-Villar ang polisiya ng Estado na magkaloob ng special protection sa mga bata laban sa lahat ng uri ng pang-aabuso, pag-aabandona, pagmamalupit, pagsasamantala at diskriminasyon na hadlang sa kanilang pag-unlad.
Binanggit niya ang limang batas para sa proteksiyon ng mga bata ay pinagtibay simula noong 1992 -- ang Republic Acts (RA) Nos. 7610, 9262, 9208, 9344 at 9775. (Bert de Guzman)