ARCI copy

SA wakas, may pinatutunguhan na ngayon ang showbiz career ni Arci Muñoz.

Ilang taon ding nagpatintero si Arci sa dalawang TV network na hindi ganap ang kakayahan sa pagpapasikat ng isang talento. Bukod tanging ang Kapamilya Network ang masasabing may Midas touch o magic para umalsa ang career ng isang artista.

Nagsimula ang lahat nang isama si Arci sa cast ng Passion de Amor na sa pamagat pa lamang at tema ay agad susubaybayan ng libu-libong televiewers hindi lamang dito kundi maging sa buong America. To make a long story short, patuloy ang pagiging top-rater ng teleseryeng ito lalo na nga’t pinakaaabangan ang mga shocking pasabog sa nalalabing huling tatlong linggo.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Ang tagumpay ng Pasion de Amor ay tagumpay ng buong cast at kabilang dito si Arci.

Higit na nakakagulat ang tinatamong tagumpay sa takilya ng pelikulang Always Be My Maybe.

Experimental na maituturing ang pagtatambal nina Gerald Anderson at Arci Muñoz pero mantaking kinagat ng publiko.

Isang movie critic ang pumuri sa akting na ipinamalas ng dalawa lalung-lalo na si Arci na isang “revelation”.

Naaliw din ang movie critic sa naiibang takbo ng istorya at inventive direksiyon ni Dan Villegas. Walang dudang thumbs up ang gradong ibinigay sa kanya ng netizens sa social media. They fell in love sa umaapaw na chemistry on screen nina Gerald at Arci.

Pustahan tayo, dahil certified hit ang Always Be My Maybe ay tiyak na may niluluto nang bagong putahe ang Star Cinema para kina Gerald at Arci. (REMU UMEREZ)