Umabot sa 333 kabataan ang tumugon sa panawagan ng Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines para sa Alaska Regional Selection Camp nitong linggo, sa Don Bosco Technology Center sa cebu City.

Nagmula ang mga kalahok sa Bacolod, Bohol, Cebu, Cagayan de Oro, Cebu, Iloilo, Leyte at Samar. Ngunit, sa pagtatapos ng camp, 11 – walong lalaki at tatlong babae -- na pawang may edad na 13 ang napili para katawanin ang Visayas sa National Training camp sa Manila, sa Abril 22-24.

Kabilang sa mga napili sina Harold Alarcon at Fritz Felix Valencia ng Bacolod Tay Tung High School; Justin Atilano at Tracy Carl Dadang ng University of San Carlos; Lowell Jhan Francis Chan at Anskie McLouisee Respina ng Sacred Heart School-Ateneo de Cebu;

Nicholas Steven Pura ng St. John’s Institute of Bacolod at Kendall Limana ng Avellana National High School of Cebu sa Jr. NBA , gayundin sina Daphne Nardo, Darlene Regasajo at Jill Florence Talas ng Avellana National High School bilang kinatawan ng Jr. WNBA.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagpamalas ng kahusay ang mga nangunang batang atleta, ngunit higit silang nangibabaw sa ipinamalas nilang katauhan na akma sa panuntunan ng Jr. NBA/Jr. WNBA na S.T.A.R. values of Sportsmanship, Teamwork, a positive Attitude and Respect.

Sa National Camp, may pagkakataon ang mga kalahok na mapilipara sa kakatawan sa bansa sa gaganaping NBA Camp sa Amerika.

Nakatakda ang Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines 2016 Regional Selection Camp sa Don Bosco Technical Institute sa Makati sa Abril 9-10. Inaanyayahan ang mga kabataan na lumahok sa libreng basketball program. Para sa online registration bisitahin ang www.jrnba.asia/philippines.