Ray Tomlinson [ap] copy

Pumanaw na si Raymond Tomlinson, ang technological leader na nag-imbento ng modernong email, noong Sabado.

Kinumpirma ito ng Raytheon Co., ang kanyang employer, nitong Linggo. Wala nang ibinigay na iba pang detalye.

Mayroon nang email noon bago ang imbensiyon ni Tomlinson, ngunit limitado ang kapasidad ng electronic messages na maibabahagi sa maraming tao sa limitadong framework. Hanggang noong 1971 nang maimbento ni Tomlinson ang unang network person-to-person email, walang paraan para magpadala ng mensahe sa isang partikular na tao sa tumpak na address.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Isinulat at ipinadala ni Tomlinson ang unang email sa ARPANET system, isang computer network na nilikha para sa U.S. government na itinuturing na pasimula sa Internet. Nag-ambag din si Tomlinson sa pagdebelop ng network, kabilang sa marami pang iba na tagapanguna sa mga teknolohiya sa programming world.

Nang mga panahong iyon, ilang tao lamang ang mayroong personal computer. Nagsimulang maging popular ang personal email makalipas ang ilang taon pa at kalaunan ay naging mahalagang bahagi ng modernong pamumuhay.

Si Tomlinson ang pumili ng simbolong “@” upang ikonekta ang username sa destination address at ngayon ay isa nang cultural icon.

“I’m often asked ‘Did I know what I was doing?’” sabi ni Tomlinson sa kanyang talumpati nang iluklok siya sa Internet Hall of Fame. “The answer is: Yeah I knew exactly what I was doing. I just had no notion whatsoever about what the ultimate impact would be.” (AP)