Agad nagbunga ang sakripisyo at tiyaga sa pag-eensayo sa outside shooting ni Star Hotshots forward Allein Maliksi.

Nagtala si Maliksi ng perpektong 6-of- 6 shooting sa three-point territory upang pangunahan ang Star sa impresibong 96-88, panalo kontra defending champion Tropang Texters nitong Linggo, sa PBA Commissioner’s Cup elimination.

Nagtapos ang dating D-League MVP na may career-high 29 na puntos para masungkit ng Star ang ikalawang panalo at manumbalik ang kumpiyansa sa isa’t isa.

Bunsod nito, ipinagkaloob kay Maliksi ang Accel-PBA Press Corps Player of the Week award kung saan tinalo niya sina LA Tenorio, Japeth Aguilar at Greg Slaughter ng Ginebra, Alaska forward Vic Manuel at San Miguel slot man June Mar Fajardo.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nagtala ang dating University of Santo Tomas stalwart ng anim na sunod na tres para pantayan ang PBA record para sa most successive three-pointer sa isang laro at makahanay ng mga naunang record holder na sina Glen Capacio, Dondon Hontiveros, Vic Pablo at Ren-Ren Ritualo.

Pinatunayan naman ni Star rookie coach Jason Webb ang pagtitiyagang ginawa ng kanyang 6-foot-3 wingman.

“The guy is really working hard, being the last one to leave the gym,” ayon kay Webb.

“The good thing about this is, Allein is now coming off the bench, while James (Yap) is back as a starter and his natural position,” ayon kay Webb.

“And you can see he’s playing much better.” (Marivic Awitan)