Hinimok ng isang kongresista ng administrasyon ang gobyerno na pag-aralang mabuti ang desisyon nitong magkaloob ng prangkisa sa Uber, Grab, at sa iba pang Internet-based taxi services, dahil posibleng nilalabag nito ang kapangyarihan ng Kongreso sa lehislatura.

Iginiit ni Quezon City Rep. Winston Castelo na walang kapangyarihan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mag-isyu ng prangkisa para sa Transportation Network Vehicle Service (TNVS) nang hindi inaalam ang posisyon ng Kamara sa usapin.

Sa kasalukuyan, may kabuuang 3,499 na aplikasyon ang naihain sa LTFRB para sa 4,465 unit.

“It takes a legislative fiat to promulgate guidelines for the accreditation of TNCs and the authorization of TNVs and DoTC Department Order No. 2015-011 acknowledges that,” sabi ni Castelo.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

“To quote the Department Order, ‘Regarding the TNVS, considering that an accreditation by the TNC is required of the TNVS applicant, the LTFRB is further directed to accredit the TNCs while waiting guidance from the legislature regarding regulation of this new industry and to promulgate the guidelines for their accreditation,” paliwanag pa ni Castelo.

Nilinaw ng kongresista na hindi siya tutol sa TNVS ngunit mahalaga, aniya, na wala itong nilalabag na batas sa operasyon nito. (Ben R. Rosario)