ARINGAY, La Union – Nasa P1 milyon halaga ng shabu at isang granada ang nakumpiska mula sa dalawang hinihinalang drug pusher na nadakip sa pagsalakay ng mga pulis at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 1 sa Barangay San Eugenio sa bayang ito, nitong Linggo.

Kinilala ni Senior Supt. Angelito Dumangeng, La Union Police Provincial Office director, ang mga suspek na sina Renante Raquedan, 37; at Francisco Caburao, Jr., 41, kapwa taga-Bgy. San Eugenio, Aringay.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ang mga bahay ng mga suspek at nakasamsam ang awtoridad ng 180 gramo ng shabu na nakabalot sa plastic bag, isang granada, water pipes, apat na bala ng .9mm, at drug paraphernalia. (Erwin Beleo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito