BEIJING (AP) – Dalawang taon simula nang maglaho ang Malaysia Airlines Flight 370 noong Marso 8, 2014 sakay ang 239, patuloy na binabagabag ang mga pamilya kung paano at kung tatanggapin na lamang na patay na ang kanilang mga mahal sa buhay.

Naniniwala ang mga imbestigador na bumulusok ang Boeing 777 sa kailaliman ng Indian Ocean, na ikinamatay ng lahat ng sakay nito, matapos malihis sa ruta at maubusan ng panggatong. Ngunit tanging kapirasong pakpak ng eroplano ang natagpuan sa dalampasigan, walong buwan na ang nakalipas.

Ano ang gagawin mo kung hindi mo alam ang nangyari sa mga taong mahal mo?

Ang ilan ay naghain ng kaso. Ang iba ay tinanggap ang cash settlements ng Malaysia Airlines kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso. Habang ang karamihan ay hindi pa rin makapagdesisyon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

At ang ilan ay kumakapit sa paniniwalang buhay pa ang kanilang mga minamahal, saan man naroroon ang mga ito. At patuloy na humihiling ng kasagutan.