Marian Rivera  Biofitea copy copy

BAKIT nga ba pagkatapos niyang magsilang sa panganay nila ni Dingdong Dantes na si Baby Letizia parang hindi naman nanganak ang figure ni Marian Rivera?

May isang reason na ipinagtapat si Marian, dahil sa iniinom niyang Biofitea, ang leading herbal slimming tea na two years na niyang ini-endorse.

“Nag-gain din ako ng weight hanggang makapanganak ako kay Baby Zia, 20 lbs,” sabi ni Marian. “Pero ngayon, balik na ako sa weight kong 97 lbs. Balik na rin ang 21-inch waistline ko, dahil may laxative properties ang Biofitea, napa-flush out nito ang food with unwanted calories na kinain ko, na wala naman akong dapat ipag-alaala dahil wala itong side effects. Nakatulong ito para ma-reduce ang weight ko at mag-promote ng cleaner and healthier digestion sa akin.”

ALAMIN: Ilang palakpak at standing ovation ang nakuha ni PBBM sa SONA?

Bukod sa bumalik na figure, ipinagmalaki ni Marian na wala siyang stretch mark. Kaya ang biro niya, puwede pa siyang mag-pose na naka-two-piece bikini.

Paano niya naiwasang magkaroon ng stretch mark gayong makati raw ang tiyan ng buntis, lalo na kung nagkakabuhok na ang baby sa tiyan?

“Tiniis ko, pero ang kati talaga. Doon ko na-realize na ang nanay kayang gawin ang lahat para sa kanyang anak. Kapag hindi ko matiis ang kati, nilalagyan ko ng hot water, minsan kinukurut-kurot ko ang tiyan ko, ‘buti na lang hindi rin nagmarka. Pero pagkatapos naman, nawala na rin ang kati.”

Masaya naman ang Diamond Laboratories (gumagawa ng Biofitea) dahil na-witness nila ang journey ni Marian as their endorser mula nang ikasal hanggang ngayon na isa na siyang ina at patuloy pa ring nakaka-influence sa clients nila.

Bumalik na uli si Marian sa trabaho, una sa Sunday Pinasaya at next month, sisimulan na ang kanyang morning talk show na tungkol sa mga ina at asawa ang isa sa mga magiging paksa. Ayaw pang idetalye ni Marian ang bagong show, pero baka raw isasabay na rin niya ang taping ng Encantadia bilang si Ynang Reyna. Naghahanap pa raw sila ng magandang story para sa bagong soap na gagawin niya.

Nagkatawanan nang tanungin ang GMA Primetime Queen kung anong oras ang cut-off ng taping na pabiro niyang sinagot ng, 6:00 PM.

“Basta, aayusin namin ang schedule ko, kasi si Zia, madaling iwanan sa umaga hanggang hapon, matagal kasi siyang matulog. Pero sa gabi, hindi siya natutulog hanggang hindi niya ako nakikita, hinahanap-hanap niya ako. Natutulog siya, mga 8:00 to 9:00 PM. Doon siguro ako medyo mahihirapan sa schedule, saka gusto ko dito lamang sa malapit ang location ko. At least iyong talk show ko sa studio lang.”

Since nagbi-breast feed siya, paano ang gatas ni Baby Zia?

“Kapag aalis ako, nagpa-pump na ako ng gatas ko, wala namang problema dahil marami akong gatas, sa pagkain ko araw-araw ng malunggay. Puwede namang i-freeze ang mother’s milk ng hanggang three months, lalagyan mo lang ng date ang bote ng gatas dahil napapanis din ito. Kapag umalis ako, lalo kung Sunday, si Dong ang nag-aalaga kay Zia, idi-defrost lang niya ang gatas. Hands-on din sa pag-aalaga si Dong kay Zia. Marunong siyang magpalit ng diaper, siya rin ang nagpapaligo sa anak namin.”

Paano naman si Dingdong, hindi ba niya napapabayaan ‘di tulad noon na madalas silang nakakapag-date?

“Siyempre, hindi ko naman p’wedeng pabayaan ang asawa ko. Transparent naman kami ni Dong, kung may gusto kami, sinasabi namin. Like, iyon nga, iyong dinner date, hindi nawawala iyon. Tinatawagan ko lang si Mama, o ang Mommy ni Dong, sila muna ang mag-aalaga kay Baby Zia habang wala kami, mga three hours lang naman iyon na dinner at bonding.”

(NORA CALDERON)