Nancy copy

Sumakabilang-buhay na ang dating first lady ng Estados Unidos na si Nancy Reagan, ang dating aspiring actress na napangasawa ng sikat na leading man na si Ronald Reagan. Siya ay 94.

Kinumpirma ng tagapagsalita ng pamilya sa CBS na si Reagan ay namatay nitong nakaraang Linggo, sa kanyang tahanan sa Los Angeles, dahil sa congestive heart failure.

Si Nancy ay isang aktres ng MGM noong 1949 nang makilala si Ronald, ang dating pangulo ng Screen Actors Guild, at humingi siya ng tulong para linisin ang kanyang pangalan nang mapasama siya sa listahan ng Communist sympathizers sa Hollywood. Pinag-usapan nila ito sa isang hapunan hanggang sa magsimula na silang lumabas at naging madalas ang pagkikita, ngunit naghintay pa ng maraming taon si Ronald, na nakipagdiborsiyo sa dati aktres na si Jane Wyman, bago sila nagpakasal.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Ikinasal sila noong 1952, at ang bagong Mrs. Reagan ay nagsilang ng babaeng sanggol na pinangalanan nilang Patricia, o Patti, at makalipas ang anim na taon, isinilang naman ang anak nilang lalaki na si Ron. Bagamat hindi hinangad ni Nancy na huminto sa pag-arte, ang career ng kanyang asawa ay humina at, inilarawan niya itong, “We needed the money.”

Hindi nagdalawang-isip si Nancy na tinanggap ang maliit na proyekto tulad ng Donovan’s Brain, Crash Landing at Hellcats of the Navy, ang huli ang tanging pelikula na pinagsamahan nila ng kanyang asawa.

Nang ipalabas ang Hellcats noong 1957, tinanggap ni Ronald ang malaking proyekto bilang tagapagsalita ng General Electric at host ng weekly anthology nito na “G.E. True Theater”.

Matatandaang pumanaw si Ronald noong 2004, isang dekada matapos niyang isiwalat sa isang liham na siya ay may Alzheimer’s disease, at simula noon ay umani ng respeto si Nancy sa kanyang pagganap bilang caregiver at sa kanyang katatagan sa pagpanaw ng asawa.

Si Nancy ay nagkaroon ng tatlong anak na sina Ron and Patti, at Michael Reagan, ang stepchild niya na anak nina Ronald at Wyman.

“I don’t think he would’ve gotten to where he got to (without her),” pahayag ng kanyang anak na si Ron Reagan sa isang panayam noong 2008. “Because I think she has more ambition than he does. I think if left to his own devices, he might’ve ended up hosting ‘Unsolved Mysteries’ on TV or something … I think that she saw in him the stuff that could be president, and she kept pushing.” (Variety)