Inihayag kahapon sa flag-raising ceremony sa National Bureau of Investigation (NBI) na namayapa na si dating NBI Director Nestor Mantaring sa edad na 68.

Ipinaabot ni Tino Manrique, pamangkin ni Mantaring, ang balita sa pagpanaw ng tiyuhin noong Sabado matapos itong ma-confine sa University of Santo Tomas Hospital.

Ang labi ni Mantaring ay nakalagak ngayon sa Arlington Funeral Homes sa Araneta Avenue, Quezon City.

Dadalhin ang labi ni Mantaring sa NBI Headquarters sa Maynila bago ito ilibing sa Bulacan sa Biyernes.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Unang naglingkod si Mantaring sa NBI bilang casual employee noong 1966 at namuno sa NBI Central Luzon, Southern Luzon at Special Task Force bago naitalagang NBI director noong Abril 2006.

Bahagi rin si Mantaring ng Melo Commission, ang independent body na binuo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na nag-imbestiga sa pagpatay sa mga mamamahayag at aktibista sa bansa. (Beth Camia)